^

Bansa

Task force vs ‘narco execs’ binuo ng DILG

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang task force ang binuo ni Interior and Local Government Secretary Ismael Sueno na hahawak sa imbestigasyon sa lahat ng mga public officials maging incumbent o wala na sa larangan ng serbisyo sa gobyerno na sangkot sa illegal drugs.

 Ayon kay Sueno, ang task force na tinawag na “DILG-Task Force Agila” (TFA) ay ang mangunguna sa pagkuha ng ebidensya, pagdu-dokumento, istratehiya, pagdetermina sa kaso, at development nito laban sa mga lokal na public officials na pina­ngalanan at papangalanan pa lang ng Pangulong Duterte na sangkot sa ilegal na droga.

“We are 101 percent behind the President in his campaign against criminality and illegal drugs.  This is why we created Task Force Agila to ensure a thorough probe against the so-called narco execs,” ayon kay Sueno.

 Dagdag ni Sueno, ang mga public official ay ituturing na “persons of interest” dahil sa pagkakasangkot nila sa ilegal na droga o bilang protektor, tulak, pinanser o user.

 Ang TFA aniya ang awtorisadong hihingi o tatanggap ng mga datus hinggil sa mga “persons of interest” sa koordinasyon ng iba’t ibang ahensya at tanggapan ng pamahalaan at ang paggawa ng rekomendasyon base sa kanilang resulta.

 Bukod dito, maaari rin aniyang humiling ng tulong ang TFA mula sa sinumang uniformed at non-uniformed personnel ng DILG, Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Dangerous Drugs Board (DDB), at iba pang tanggapan ng pamahalaan kabilang ang pribadong indibiduwal alinsunod sa mandato nito.

Ang TFA, na kinabibilangan ng mga opisyal ng DILG, Napolcom at PNP, ay pamumunuan ni Atty. John R. Castriciones ng  Office of the Undersecretary for Operations bilang Chairman, at Atty. Jesus V. Hinlo Jr. ng Office of the Undersecretary for Public Safety, bilang Vice-Chairman.  Sila ay kapwa pinahihintulutang mag-isyu at lumagda ng direktiba, dokumento, at request letters upang matupad ang layunin at tungkulin ng grupo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with