^

Bansa

3rd District ng Maynila lilinisin

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang ikatlong distrito ng Maynila ang pinakamarumi sa anim na distrito sa lungsod kung kaya’t binubuhay ngayon ni Mayor Joseph Estrada ang cleanliness drive dito.

Ayon kay Estrada,  ito na rin ang dahilan kung kaya’t sunud- sunod ang road clearing operation sa Maynila, kasabay ng kanyang  panawagan sa 1.7 milyong Manilenyo na tulungan ang pamahalaang lungsod sa paglilinis ng Maynila.

Sinabi naman ni Belle Borromeo, hepe ng Department of Public Services (DPS), 10 trak ng basura araw araw ang  nakokolekta sa District 3. 

Ang District 3 ay binubuo ng Binondo, Quiapo, San Nicolas, at Sta. Cruz o 126 na barangay na ang populasyon ay aabot sa  221,780. Pabor naman si 3rd District Councilor Letlet Zarcal  sa pahayag ng alkalde sa pagsasabing mas dapat ba doblehin ng contractor na IPM ang paghahakot ng basura sa  Maynila.

Aniya, nakikipagtulungan ang DPS sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagpapatupad ng anti-littering regulations sa lungsod, kabilang na ang Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act. Kahapon ay inatasan ni Estrada ang mga departamento sa city hall upang muling istriktong ipatupad ang 1994 anti-littering ordinance ng lungsod.

Ani Estrada, tamang disiplina lang ang kailangang gawin ng mga taga-lungsod sa pagtatapon ng basura.

Aabot sa 1.7 milyon ang populasyon ng Maynila, kung saan 8,700 tonelada ng basura ang napo-produce kada araw. Mahigit 30 porsyento nito ay naiiwan lang sa mga kalsada, kanal, at mga estero, ayon kay Estrada.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with