Mga ebidensiya at testigo laban kay De Lima, lumulutang sa DOJ – Aquirre
MANILA, Philippines - Marami pa umanong testigo at mga ebidensiya ang lumulutang sa Department of Justice (DOJ) laban kay Senator Leila De Lima kabilang na ang ilang bank accounts, ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Ayon pa kay Aquirre, na dumalo sa isang meeting sa Senado, iniimbestigahan na ng DOJ ang pagkalat ng ilegal na droga sa loob ng National Bilibid Prison noong panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
Sinabi ni Aguirre na binabaha umano sila ng impormasyon kaugnay sa ilegal drug trade sa nabanggit na bilangguan.
“Bumabaha ang information, volunteered information yung mga involvement nitong mga taong ito ha. So we have to consolidate all of this information. They should be clarified and that’s the only time that we’re going to prepare the complaints to be investigated by the DOJ,” ani Aguirre.
Maari aniyang masampahan ng kasong katiwalian si De Lima at iba pang sinasabing kasabwat nito at kung mapapatunayang totoo ay kasong kaugnay sa ilegal na droga.
“At the very least Anti graft and Corrupt Practices Act, kung totoo yung sinasabi nila and of course yung violation of Anti-drugs,” pahayag ni Aguirre.
Dapat rin aniyang makita ni De Lima ang mga ebidensiya bago nito sabihin na peke ang mga ito.
“Before you say that dapat makita mo muna yung evidence. Paano mo masasabing fake di mo pa nakikita ebidensya. Di mo masasabi fake yun unless you see the evidence,” ani Aguirre.
- Latest