^

Bansa

2 hired killer arestado

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang lalaki pinaniniwalaang mga hired killer ang inaresto kahapon ng mga operatiba ng Manila Police District-Homicide Section matapos  ikanta  na responsable sa pagpatay sa franchise owner ng isang kilalang food chain habang ang mastermind ay pinaghahanap na rin, na naganap noong Agosto 9, 2014 sa Sampaloc, Maynila.

Ipinagharap ng reklamong murder sa Manila Prosecutors Office ang mga dinakip na suspek na kinilalang sina Jayvee Marinas, 30, tricycle driver at Richmond Perez, 28, boy, na kapwa residente Valdez St., Sampaloc, Maynila.

Tinutugis na rin ang isa pang suspek na si Romeo Fuentes,  na sinasabing ‘utak’ sa pagpatay sa negosyanteng si Mary Li, 58, Fil-Chinese na kasosyo bilang franchise owner ng “Mang Inasal” branch sa Sampaloc.

Sa ulat ni SPO2 Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, kamakalawa nang madakip si Perez ng mga awtoridad sa bisa ng warrant of arrest sa kasong robbery na inisyu ng Metropolitan Trial Court Branch 11, at sa pagbeberipika lumabas na may kinalaman ito sa pagkamatay ng negosyante hanggang sa kumanta na ito na nabayaran lamang sila ng halagang P50,000 para patayin si Li at ang kasabwat ay si Marinas.

Nang ituro si Marinas at madakip ay tinangka pa umanong manuhol nito sa mga pulis ng halagang P10,000 upang hindi siya bitbitin.Iniharap naman sa testigo ang dalawa na positibong kinilala.

Matatandaang noong Agosto 9, 2014 alas 5:10 ng hapon nang barilin ng riding-in-tandem si Li habang sakay ng  minamanehong Starex van sa Sampaloc, Maynila. Ludy Bermudo with trainee Rei Renee Moriah Marcelo

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with