^

Bansa

Panukalang proteksyon sa whistleblower, pinamamadali

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinamamadali ni Kabayan Partylist Rep. Harry Roque ang kongreso sa pagpasa sa batas ng panukalang magbibigay proteksyon sa mga whistleblower.

Ang panawagan ni Roque ay kasunod ng conviction sa Sandiganbayan dahil sa kasong  katiwalian ni Rodolfo ‘Jun’ Lozada, ang whistleblower sa NBN-ZTE deal.

Ayon sa Kongresista, napaka-ironic na ang malalaking tao na inakusahan ni Lozada na nasa likod ng anomalya sa NBN-ZTE deal kabilang sina dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating Comelec Chairman Benjamin Abalos ay nakalaya na at kung sino pa ang nagbulgar ng katiwalian ay siya pang nakulong.

Sa ilalim ng House Bill 223 o Whistleblowers’ Protection Act ni Roque, bawal gantihan ng sinumang empleyado o nakatataas sa kanya ang whistleblower tulad ng paghahain ng mga kaso para takutin o patahimikin ito.

 Paniwala ni Roque, na kung mapo-protektahan ang mga nagbubulgar ng maling gawain ay mapalalakas ang accountability at mababawasan ang corruption sa gobyerno at maging sa pribadong sektor.

Matatandaan na hinatulan ng Sandiganbayan si Lozada na makulong ng mula 6 hanggang 10 taon sa kasong graft na nag-ugat noong presidente pa ito ng Philippine Forest Corp.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with