^

Bansa

Pres. Rody nakiramay sa pamilya ng pulis na napatay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Personal na nakiramay kahapon si Pangulong Rod­rigo Duterte sa  pamilya ng napaslang na pulis na si Sr. Insp. Mark Gil Garcia, na napatay ng dalawang drug pusher sa isang buy bust operation sa Antipolo City noong Biyernes ng gabi.

Dakong alas-4:50 ng hapon noong makarating ang Pangulong Duterte sa burol ni Insp. Garcia sa Multipurpose Hall ng PNP Rizal provincial office sa Taytay, Rizal kung saan ay sinalubong siya ni Judy, may bahay ng napatay na pulis, mga kaanak at kaibigan.

Nangako ang Pangulo kay Judy ng schoolarship program para sa pag-aaral ng tatlong anak ni Insp. Garcia kung saan ang bunso na isang lalaki ay  dalawang buwang gulang pa lamang.

Nagbigay din ang Pangulo ng P270,000 sa pamilya ni Garcia.

Si Insp.Garcia ay napatay sa ikatlong mission nito, kung saan ay anim na pusher ang kanyang nadakip kabilang ang isang kagawad ng militar.

Binaril ng sumpak si Insp. Garcia ng isa sa dalawang drug pusher kung saan tinamaan siya malapit sa pantog, pero bago siya bumagsak ay nagawa pa niyang makabunot ng kanyang baril at napatay ang dalawang pusher na ang isa ay kinilalang si Willaim Malana habang ang isa ay hindi pa nakikilala.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with