^

Bansa

Partylist system bubuwagin sa bagong Konstitusyon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nakapuna na inaabuso ang partylist system sa bansa kaya dapat itong tanggalin sa binabalak na bagong Konstitusyon.

Ayon sa Pangulo, siya mismo ang magsusulong na tanggalin na ang partylist dahil ang mga nananalo lamang dito ay ang mga may pera.

“Itong party list, it will never come again. Bago ang Constitution. I will insist: No party list. Inabuso lahat ‘yan eh, na pati mga mayaman. Ang nananalo ‘yung may pera, representing the what? Security guards,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na malinaw na pagyurak at pambabastos sa batas ang nasabing sistema dahil nabibili ang posisyon sa nasabing sistema.

“Yan ang… that’s the mockery of the law. ‘Yan talaga ang pinaka-bastos magawa mo. Kasi ikaw ‘yung pera, mag-bili ka ng ano diyan. Ano ba ‘yung ano mo? “United idiots association.” Tatakbo. Ayan. Nagkalat kayo diyan na. Kayong mga Left, nandiyan. Marami kayo,” dagdag ng Pangulo.

Tiniyak rin ng Pangulo na hindi siya papayag na isang anti-Pilipino ang aamiyendahang Konstitusyon.

“And besides I’ve been there. Hindi naman ako tanga magpapayag ako ng Constitution na anti-Pilipino. ‘Yan ang asahan ninyo. That is the job of the President. If worse comes to worst, ‘di alam nila anong mangyari  sa kanila, pag binastos nila ang Pilipino,” sabi ng Pangulo.

Dapat aniya ay “res­ponsive” sa pangangaila­ngan ng mga mamamayan ang bagong Konstitusyon.

“So you could only come up with the Constitution that is responsive to the will of the people. And I will be there to read what you have worked on,” sabi ni Duterte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with