^

Bansa

Pag-aaral ng CPR mandatory na sa mga estudyante

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kailangan na maru­nong magsagawa ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) ang lahat ng estudyante sa basic education schools bago sila makapagtapos ng pag-aaral.

Ito ang ipinaalala kahapon ni Senator Sonny Angara matapos maging ganap na batas noong nakaraang linggo ang Republic Act 10871 kung saan inaatasan ang lahat ng private at public basic education schools sa bansa na gawing requisite ang CPR training bago ang graduation.

“Republic Act 10871, which lapsed into law last week, mandates all public and private basic education schools in the country to make CPR training a requisite prior to graduation,” pahayag ni Angara.

Ayon sa Senador, ang CPR ay isang lifesaving skill na maaaring mapag-aralan ng mga ordinaryong mamamayan kabilang na ang mga kabataan.

Binati ni Angara, pa­ngunahing nagsulong ng CPR bill sa Senado  sina dating congressman Yeng Guioa, Philippine Heart Association at iba pang mga tumulong para maisulong at maging ganap na batas ang panukala.

Ayon sa mga international health experts, nagiging doble ang tiyansa ng mga biktima na  maka-survive kapag nalapatan sila ng CPR, isang emergency procedure na ginagawa sa isang taong tumigil ang pagtibok ng puso.

Noong 2014, ang  basketball legend na si  Samboy Lim ay nagkaroon ng cardiac arrest sa isang exhibition game at na-comatose  ng mahigit sa isang buwan.

Ayon sa mga doctor na tumingin kay Lim, mas nabawasan sana ang pinsala sa katawan nito kung may nagsagawa sa kanya ng CPR sa loob ng “three-minute window period”.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with