^

Bansa

Cartel sa cement industry, buwagin—4K

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Kilusan Kontra Katiwalian at Kabulukan (4K) kay Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin ang kartel na Cement Manufacturers of the Philippines (CeMAP) sa ilalim ni dating DTI Usec. Ernesto Ordonez na nakikinabang sa kanyang kampanya laban sa mga importer ng semento kung saan kontrolado ng grupo ang presyo ng kanilang mga produkto.

“The DTI asked local cement producers to explain the recent surge in retail prices of cement in the country and CeMAP can explain why there are shortages of their product in some key areas. With the artificial shortage of cement, the government can’t control the retail prices of cement and CeMAP is the first beneficiary in this situation,”giit ni 4K secretary general Rodel Pineda.

Kinuwestiyon din ni Pineda ang pagsasanib ng malalaking kompanya na Holcim Philippines Inc. at Lafarge Republic Inc. na kumokontrol sa halos 75 porsiyento sa industriya ng semento na isang malaking paglabag sa Anti-Trust Law.

Nauna rito, nangako si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Gina Lopez na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang marekober ang nawalang mabubuting bagay na nilalayon ni Duterte na mapasigla ang pagpapapanatili ng kabutihan para sa nakararami, paglingap at pagkalinga para sa mga kapus-palad at pag-ayuda sa mga mahihirap na mamamayang Pilipino na biktima ng mapang-aping ekonomiya na kinokontrol ng mga abusado at iresponsableng industriya ng pagmimina.

Kilalang matibay na anti-mining advocate bago napili ni Duterte para pamunuan ang DENR, ipinadama ni Lopez ang kanyang intensiyon na panatilihing matamasa ng bawa’t isa ang mayamang natural na kalikasan ng bansa.

“I would like to keep our biodiversity and not let it be raped by any selfish interest because it belongs to the Filipino people,” sabi ng DENR Secretary.

Kabilang sa mga sektor na nagdudulot nang malubhang panganib sa kalikasan ang cement manufacturing industry. Nagdudulot nang mabigat na suliranin ang pagmimina ng apog o limestone sa kalikasan kung kaya dapat panatilihin ng pamahalaan ang pagbabantay at pagkokontrol sa proseso ng operasyon upang matugunan ang mga requirement na itinakda ng mga ahensiyang kagaya ng Environmental Management Bureau (EMB) at Mines and Geosciences Bureau (MGB).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with