^

Bansa

Requirements, oras ng proseso ng mga dokumento babawasan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –  Isinusulong na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong bawasan ang requirements at processing time sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na nagpapahirap sa publiko at negosyo.

Sa panukalang inihain ni Senator Bam Aquino, sinabi nito na ang mahaba, kumplekado at mga nagdo-dobleng regulasyon mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno ang nagiging dahilan upang  maaksaya ang oras at nagiging pahirap sa maraming Filipino.

“Lengthy, complicated and overlapping regulations from various government agencies result in costly and time consuming processes that have inconvenienced far too many Filipinos for too long,” ani Aquino sa kanyang panukala na tatawaging Government Efficiency Office (GEO) Act of 2016 kapag naging batas.

Inihalimbawa nito ang pagkuha ng mga IDs mula sa gob­yerno, pagbabayad ng buwis at paghingi ng mga permits.

Katulad aniya sa mga negosyante na mangangailangan ang isang proseso ng 30 hakbang, 47 buwis na babayaran at 193 oras kada taon para makakuha lang ng permit. 

Layunin din ng Government Efficiency Office Act na lumikha ng isang sangay sa ilalim ng Office of the President na titiyak ng mabilis na proseso sa mga ahensiya ng pamahalaan.

Sa panukala, bubuo ng isang National Policy on the Development and Implementation of Regulations (NPDIR) na siyang magtatakda ng mga polisiya at panuntunan na susundin ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with