^

Bansa

Comelec nagpaalala sa ‘last minute’ registrants sa barangay, SK elections

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Huwag nang hintayin pa ang  huling araw ng pagpapatala para sa  Barangay at  Sangguniang  Kabataan election.

Ito naman ang panawagan ni Comelec spokesperson James Jimenez sa publiko  kasabay ng  pahayag na maging maaga sa huling mga araw sa vo­ters registration kaugnay sa Barangay at Sangguniang Kabataan election.

 Ayon kay Jimenez,  hu­ling araw na sa darating na Sabado, July 30 para sa mga nais na magparehistro.

 Ito ay upang makaiwas aniya ang mga tao sa napakahabang pila dahil sa mga “last minute” registrant na naiipon na nais pang humabol.

 “Last day of voter registration for #BSKE2016 is on Saturday. Expect long lines so pls be there as early as you can,” wika ni Jimenez sa Twitter message.

 Ayon naman kay Comelec chairman Andres “Andy” Bautista, pumalo na sa 1.18 milyon ang mga bagong nagparehistro kasama na ang nasa 600,000 na SK application simula noong nakaraang araw ng Sabado, July 23. Itinakda ang barangay at SK election sa darating na October 31 ngayong taon.

 Target ng ahensya na makapagrehistro ng hanggang sa anim na milyong bagong botante.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with