^

Bansa

Sama ng panahon, binabantayan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy na binabantayan ng Philippine Athmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang isang low pressure area sa loob ng bansa.

Ganap na alas-10 ng umaga kahapon, ang LPA ay namataan ng Pagasa sa layong 350 kilometro ng kanluran hilagang kanluran ng Dagupan.

Sinabi ni Obet Badrina, weather specialist ng Pagasa, hindi naman nakakaapekto sa bansa ang naturang LPA. Ito aniya ay inaasahan nilang lalabas ng bansa pagsapit ng Philippine sea.

Gayunman, sinabi ni Badrina na maulap ang kalangitan sa Luzon  lalo na sa Metro Manila na may paminsan-minsang pag-uulan partikular sa hapon o gabi.

Katamtaman naman aniya ang hampas ng alon sa karagatan. Dagdag ni Badrina, wala pa naman silang namamataang ibang sama ng panahon na papasok sa bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with