^

Bansa

Libreng wifi sa mga pampublikong lugar

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magandang balita para sa mga mahihilig gumamit ng internet.

Magkakaroon na ng libreng wifi access ang mga piling pampublikong lugar sa bansa.

Sa kanyang pananalita sa kanuna-unahan nitong State of the Nation Address (SONA), masayang inianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigay ng wifi access sa mamamayan na handog ng gobyerno sa ilalim ng Department of Transportation and Communication (DOTC).

Ayon sa Pangulo, magkakaroon na ng libreng wifi ang mga pampublikong paaralan, ospital, paliparan, seaports at iba pang pampublikong lugar.

Kasama rin sa magkakaroon ng free wifi ay ang LRT 1, LRT 2 at MRT. Dalawang istasyon ng MRT sa Ortigas at Guadalupe ay may wifi access na para sa mga commuters.

Una nang sinabi ng DOTC na lumagda na sila kasama ang Smart Telecommunications na magbibigay ng libreng wifi na aabot sa 1GB sa lahat ng apat na passenger terminals ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasama pa ang mga airports sa Bacolod, Caticlan, Cebu, Clark, Davao, Dumaguete, General Santos, Iloilo, Kalibo, Laguindingan, Laoag at Zamboanga.

Ayon sa DOTC, sa seaports ay maunang magkakaroon ng free wifi sa Batangas at Mindoro.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with