^

Bansa

Kampi na kami ni Cayetano! – Koko

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inamin ni Sen. Koko Pimentel na nagbigay-daan na sa kanya bilang Senate president si Sen. Alan Peter Cayetano upang mapagtibay ang legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Pimentel na nagkaroon sila ng pulong ni Cayetano sa pagitan ni Pangulong Duterte sa Malacanang at sa nasabing pulong ay nagbigay daan umano si Cayetano para masiguro na magkatuwang silang tutulong na maisulong ang mga legislative agenda ni Pangulong Duterte.

“Our last conversation in front of the President was that we are together. We belong to one camp, and we should work together. And that’s what has long been on my mind, that we are together. That is the clear agreement.”paliwanag ni Pimentel.

Kinumpirma naman ni Pimentel na natuwa si Pangulong Duterte sa pagsuporta ni Cayetano sa kanyang bid sa Senate Presidency. Noong una pa man umano ay ito na ang hangad ng Pangulo na magkasundo silang dalawa.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na hindi siya makikialam kung sino ang hihirangin na susunod na Senate President.

Gayunman, ilang insider sa kampo ng Pangulo ang umamin na ang ka-tandem nito noong nakaraang eleksyon na si Cayetano ang siya niyang sinusuportahan para sa nasabing posisyon.

Dahil sa pag “give way” at pagsuporta na ni Cayetano kay Pimentel, ang mga kaalyado nitong senador na sina Joseph Victor “JV” Ejercito, Juan Miguel Zubiri, Richard Gordon at Cynthia Villar ay umanib na rin sa super majority ni Pimentel at makakakuha din ng committee chairmanships. 

Ang housing ay mapupunta kay Ejercito, ang trade and industry ay pamumunuan ni Zubiri habang pinag-aaralan pa kung saang komite sina Gordon at Villar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with