^

Bansa

Anang Malacañang sa speech ni Digong: SONA nakakaiyak!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi napigilan ng isang miyembro ng Gabinete na mapaiyak matapos nitong mabasa ang speech ni Pangulong Rodrigo “Rody” Duterte na sarili nitong komposisyon o gawa para sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) sa gaganaping joint session o pormal na pagbubukas ng 17th Congress sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Batasan, Quezon City ngayong Lunes ng hapon.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Martin Anda­nar, hindi niya napigilang mapaiyak matapos niyang mabasa ang draft ng speech ng Pangulo na aniya’y “kukurot” at bubuhay sa damdamin ng bawat mamamayang Pilipino.

“The address of the President, personally written by the President, will be a very powerful speech that will awaken the patriot in every Filipino,” ani Andanar sa pulong balitaan sa Royal Mandaya Hotel sa Davao City kahapon.

 Sinabi ni Andanar na ilang oras din ang iginugol ng Presidential Broadcast Staff Radio Television Malacañang sa pag-repaso sa speech ng Pa­ngulo na may 10 beses na na-rebisa.

“When I read the speech, ayaw ko pong mag-exaggerate pero the first time I read the speech, it made me cry. Ganoon po kaganda, ganoon po ka makabagbag-damdamin iyong speech ng pangulo natin,” pahayag ni Andanar sa media.

 Nabatid pa kay Andanar na tatagal lamang ng 38 minuto ang magiging talumpati ng pangulo.

Hindi naman nagbigay ng ideya si Andanar kung ano ang nilalaman ng nasabing ulat sa bayan ng Pangulo na posibleng sumentro sa problema sa droga, kriminalidad, korapsyon at kahirapan ng bansa kasama na ang usapin sa West Philippine Sea at kapakanan ng mga overseas Filipino workers.

Seguridad todo-higpit

Mahigpit ang pinaiiral na seguridad sa loob at labas ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagdaraos ng kauna-unahang SONA ni Pangulong Duterte ngayong araw.

Ayon kay House Sec. Gen. Marilyn Barua-Yap, mula sa physical arrangement ng buong Batasan hanggang sa plenaryo at sa seguridad sa loob at labas ng Kamara ay plan­tsado na kahapon.

Nilinaw ni Yap na hindi sila nahirapan sa pagha­handa sa SONA ni Duterte dahil simple lang ang gusto ng pangulo.

Pinaalalahanan din ang lahat ng bisita na dumating nang maaga sa plenaryo bitbit ang kanilang pass at invitation at dapat na nakasunod sa dress code para sa SONA. May 3,000 na VIPs (very important persons) ang naimbitahan na sasaksi sa SONA ng pangulo.

Ang tatlong antas ng gallery sa session hall ay may seating capacity lamang na 1,750 habang 350 naman sa mismong plenaryo. Ipinagbabawal nang magpagala-gala sa lobby ng Kamara ng alas-3 ng hapon.

Inaasahang darating si Duterte bago mag-alas-4 ng hapon sa Kamara at sasalubungin ito ng mga lider ng dalawang Kapulungan ng Kongreso. Didiretso muna siya sa Presidential Legislative Liason Office bago siya eskortan papasok ng session hall para i-deliver ang kanyang ­unang SONA na inaasa­hang magaganap bandang alas 4:30 ng hapon.

AFP nakaalerto

Naka-heightened alert ngayong araw ang mga military units  bilang suporta sa Philippine National Police (PNP) sa seguridad sa SONA ng pangulo.

Ayon kay Armed For­ces spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, ang alerto ng AFP ay bilang tugon sa inilalatag na seguridad ng militar sa SONA at sa Pangulo.

Itinaas ang alerto ng AFP nitong Hulyo 23 na ipatutupad hanggang Hul­yo 25.

Nauna rito, ipinaha­yag ng Joint Task Group-National Capital Region (JTF-NCR) ng AFP na nagpapatuloy sila sa pagtukoy sa anumang security threats sa SONA. Ang naturang unit ay isa sa mga military units na naatasan upang mabantayan ang kaganapan ng SONA katuwang ang PNP.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with