^

Bansa

Anti-political dynasty bill isinulong ni Drilon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nais ni outgoing Senate President Franklin Drilon na tuluyan nang mawala ang mga political dynasty sa bansa dahil labag ito sa Konstitusyon.

Sa panukalang anti-political dynasty bill ni Drilon, sinabi nito na dapat magkaroon ng batas upang tuluyan na itong ipagbawal .

Ipinunto ni Drilon na dapat maging pantay-pantay ang “playing field” sa political arena kung saan mas palaging napapaboran ang mga  kilala ng pangalan at mga kamag-anak ng mga matatagal ng pulitiko.

“No less than the Constitution mandates the State to ‘guarantee equal access to public service and prohibit political dynasty,’” pahayag ni Drilon.

Umaasa si Drilon na maipapasa na ngayong papasok na 17th Congress ang panukala na ilang beses na ring isinulong sa mga nagdaang Kongreso.

Posibleng magkaroon na aniya ng tiyansa ang anti-political dynasty bill dahil naipasa ang Sangguniang Kabataan Reform Act noong nakaraang Kongreso kung saan may probisyon na nagbabawal sa political dynasty.

Ayon kay Drilon, may negatibong epekto ang kawalan ng kumpetisyon sa larangan ng pulitika sa isang lugar dahil hindi naitataas ang living standards ng mga mamamayan.

“Research found dynastic concentration to have a significantly negative effect on the upliftment of local living standards, noting that lack of real political competition leads to flawed policies,” pahayag ni Drilon.

Sa panukala, nais ipagbawal ni Drilon ang pagkandidato ng asawa o sinumang kamag-anak ng isang elective official na nagnanais muling kumandidato sa parehong lugar o parehong eleksiyon.

Hindi rin papayagan ang kamag-anak ng isang halal na opisyal na kumandidato sa puwestong iiwanan nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with