^

Bansa

P200K benepisyo sa barangay chair na mapapatay

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inihain sa Senado ang panukalang batas na nag­lalayong madagdagan ng P200,000 ang benepisyong ibinibigay ng pamahalaan sa mga kapitan ng barangay na mapapatay sa pagganap sa kanilang serbisyo.

Sa “Additional Barangay Captains Insurance Act of 2016” na inihain ni Lacson, sinabi nito na dapat lamang mabigyan ng insurance ang mga kapitan ng barangay dahil nalalagay din sa delikadong sitwasyon ang kanilang buhay sa pagtupad sa tungkulin.

 Sa ilalim ng panukala, kung tatambangan o mapa­patay sa pagganap ng tungkulin ang isang barangay captain, tatanggap ang kanyang mga naulila ng P200,000; at karagdagang P50,000 para sa pagpapalibing; at P100,000 sa nagastos sa gamutan.

Pero kung ang isang barangay captain ay napatay o napahamak umano dahil sa kalasingan o sobrang pag-inom, hindi ito makakatanggap ng nabanggit na benipisyo.
Sinabi ni Lacson na  karamihan sa mga kapitan ng barangay ay buwis-buhay na naglilingkod para sa kaayusan ng pamayanan, lalo na ang nasa liblib na lugar dahil hindi naman sila kasama sa mga binibigyan ng hazard pay.

Sa kasalukuyan, ta­nging ang Government Service Insurance System (GSIS) lamang ang nagbibigay ng benepisyo sa mga barangay captains kung kaya’t mahirap umano para sa kanila ang malagay sa alanganing situwasyon habang ginagampanan ang tungkulin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with