^

Bansa

PNoy walang ‘farewell speech’ sa Rody inaugural

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Wala nang talumpati si outgoing President Benigno Aquino III sa pagbaba nito sa puwesto sa Hunyo 30, ayon kay presidential inaugural committee Amb. Marciano Paynor.

Sinabi ni Amb. Paynor, magkakaroon lamang ng departure honors para kay Pangulong Aquino pero hindi na siya binigyan ng “farewell speech” bago manumpa bilang ika-16 pangulo ng bansa si President-elect Rodrigo Duterte.

Aniya, sasalubungin ni PNoy si Duterte sa presidential hall ng Malacañang bago ang pormal na panunumpa.

Nabatid na alas-12 ng tanghali ng nasabing araw manunumpa si Duterte habang sasakay naman ng presidential car si Aquino upang umuwi sa kanyang tahanan sa Times St., Quezon City.

Sinisikap na gawing smooth at simple lang ang transition at inagurasyon dahil ito ang gusto ng bagong pangulo kung saan inaasahang mahigit 600 ang bisita kasama na ang mga ambassadors ng iba’t ibang bansa.

Susunduin ng bus ang mga bisita ni Duterte mula sa PICC at dadalhin sila sa Malacañang para sa inagurasyon at oath-taking na gaganapin sa Rizal Hall ng Palasyo.

Ang papayagan lamang na magdala ng kanilang sasakyan sa compound ng Palasyo ay ang mga ambassadors habang ang ibang bisita ay pinayuhan na iwan na lamang ang kanilang sasakyan sa PICC.

Samantala, nilinaw ni Paynor na walang deklarasyon na non-working holiday ang June 30, ang araw ng panunumpa ng ika-16 na pangulo ng bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with