Party-lists sumuporta kay Alvarez
MANILA, Philippines – Lumagda sa isang kasunduan at pagbibigay suporta ang mga partylist Congressman para kay presumptive House Speaker Pantaleon Alvarez.
Tinatayang nasa 35 na mga partylist congressmen sa pangunguna ni 1Pacman party-list Rep. Mike Romero ang lumagda covenant of support para kay Alvarez.
Kasama rin ang mga partylist na 1Care, Aangat Tayo, Abs, Agbiag, Amin, A-Teacher, Butil, Kabayan, Manila Teachers, TUCP, Ako Bicol, At 1-Sagip, Aasenso, Acts-OFW, Agri, Ang Kabuhayan, BH, Cibac,
Kalinga, Mata, Yacap, 1-Ang Edukasyon, Ambis-OWWA, Abnag Lingkod, Agap, Akbayan, Angkla, Buhay, Coop-Natco, Kusugtausug at PBA.
Bukod dito, nanumpa rin bilang bagong myembro ng PDP-Laban sina Reps. Ricky Sandoval (Malabon), Bambol Tolentino (Tagaytay), Estrelita Suansing (Nueva Ecija), Along Malapitan (Caloocan) at Bingbong Crisologo (Quezon City).
Bukod sa speakership ni Alvarez, nagpahayag ng suporta ang mga party-list congressmen sa papasok na administrasyon ni incoming president Rodrigo Duterte.
Sinabi naman ni Alvarez, na ang mga objective ng administrasyon ni Duterte ay baguhin ang bansa, ibalik ang kaayusan, wakasan ang insurgency o rebellion, at ibalik ang kapayapaan na kanya namang isusulong.
- Latest