^

Bansa

Nude photo ng estudyante ipo-poste sa FB, bading arestado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa pangha-harass laban sa 16-anyos na estudyanteng na ipo-poste ang hubad na larawan  nito sa facebook, bagsak kalaboso ang isang bading  na nasakote sa isang eskuwelahan sa Dagupan City, Pangasinan kamakalawa ng gabi.

Nakatakdang kasuhan ang suspek na si Michael “Clara” Sabado, 26, empleyado ng lokal na pamahalaan ng nasabing lalawigan.

Bandang alas-7:35 ng gabi nang arestuhin ng mga tauhan ng San Manuel PNP sa entrapment operation sa Juan Laya Elementary School sa Brgy. Guiset Sur ang suspek. Sa ulat ng Pangasinan PNP na isinumite sa Camp Crame, dinakip ang suspek matapos itong ireklamo ng mga magulang ng binatilyong itinago sa pangalang Ramil, incoming Grade II student na hinaharass ng suspek.

Ayon sa salaysay ni Ramil, hina-harass umano siya ng suspek na ipo-poste sa facebook ang kaniyang hubad na larawan kapag hindi siya nakipag-date na itinakda nito sa gabi. Dahil sawa na umano sa pangha-harass ng suspek ay napilitan ang binatilyo na magsuplong sa kaniyang mga magulang na agad namang ini-report sa pulisya ang insidente.

Inaalam din ng pulisya kung may nauna nang pangmomolestiya ang suspek sa nasabing estudyante.

Kasalukuyang humihimas ng rehas na bakal ang suspek na nahaharap sa kasong kriminal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with