^

Bansa

2-M trabaho bawat taon pangako ni Binay

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang milyong trabaho bawat taon o kabuuang 12 milyong trabaho ang lilikhain ni UNA standard bearer Vice Pres. Jejomar Binay sa oras na bumaba siya sa puwesto sa 2022 kapag siya ang nahalal na pangulo sa halalan sa Mayo 9.

Magagawa anya ito sa pagtatabi ng pitong porsiyento ng gross domestic product ng bansa bawat taon para sa infrastructure deve­lopment, pagbukas ng bansa sa mga mamumuhunan at paghinto sa underspending ng pamahalaan.

“Maglalaan tayo ng P950 billion hanggang P1 trillion bawat taon para sa infrastructure projects. Ang paggasta ng pamahalaan ay hindi lang makakapagpasigla ng aktibidad sa ekonomiya kundi lilikha rin ng mga trabaho. Ang pamahalaan ang magiging isa sa pinakamalaking employer sa bansa,” paliwanag ng Bise Presidente.

Idinagdag ni Binay na gagawin niyang sandigan ang kanyang karanasan bilang alkalde ng Makati sa pagpapatupad ng mga pamamaraang lilikha ng mga trabaho. “Ginawa namin iyan sa Makati. Dapat iyang magawa at gagawin sa buong bansa,” sabi pa niya.

Sinabi pa niya na, noong siya ang alkalde ng Makati, kumilos ang pamahalaang-lunsod para maging competitive at mas kaaki­­t-akit sa mga investor ang lunsod. “Sa paraang ito, lumikha kami ng libu-libong trabaho, nagbigay ng libreng edukasyon at healthcare, at pinasulong ang Makati,” paliwanag pa ni Binay. “Nagawa namin ito dahil nangolekta kami ng buwis, ginamit ito para sa kapakanan ng mamamayan.”

“Sinasabi ng aking mga kalaban na hindi ito magagawa pero alam kong magagawa sa buong bansa dahil ginawa ko iyan sa Makati,” dagdag niya. Sinabi pa ni Binay na isa sa kanyang mga kalaban ay walang kaukulang karanasan o abilidad na pang-ehekutibo. Iyon anyang isa pang kandidato ay papatay sa mahihirap para mabawasan ang mga serbisyo ng pamahalaan.

Ang P1 trillion na ilalaan niya para sa imprastruktura ay pito hanggang walong porsiyento ng GDP ng bansa. Gagamitin ito sa paggawa ng mga kalsada, tulay, paliparan, riles, pantalan at iba pang kinakailangang imprastruktura.  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with