^

Bansa

Rep. Reyes ok nang tumakbo - Comelec

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binasbasan ng Comelec 1st Division ang kandidatura ni Marinduque Rep. Regina Reyes na tumatakbo muli bilang kinatawan ng lalawigan sa Kongreso.
Ito ay makaraang ibasura ang petisyong inihain ng isang Elleasar Velasco laban sa mambabatas. Unanimous ang reso­lusyon na may petsang April 29, 2016 at pirmado ng mga myembro ng 1st Division na sina Comms. Christian Robert Lim, Luie Guia at Rowena Guanzon.

Kumbinsido ang 1st division na nuon pang taong 2005 ay muling nakuha ni Reyes ang kanyang pagiging natural born Filipino batay na rin sa iprinisinta niyang identification certificate na iginawad ng Bureau of Immigration bilang pagtalima sa Citizenship and Reacquisition Act of 2003.

Binigyan din ng First Division ng bigat ang iba pang dokumento na iniharap ni Reyes kabilang na ang kanyang affidavit of reiterating renunciation of foreign citizenship o pagtatakwil sa kanyang banyagang pagka-mamamayan.
Dahil dito, wala na umanong sinasandalan ang mga argumento ni Velasco.

Ayon sa mga abogado ni Rep. Reyes, “ Sa unanimous desisyon ng Comelec ay lumilitaw na nilampaso na nito ang mga Velasco. 

Matatandaang nagwagi si Reyes nuong May 2013 elections pero pinawalang bisa ng Korte Suprema ang kanyang pagkapanalo makaraan nitong katigan ang findings ng Commission on Elections na siya umano ay isang American Citizen.

Tinalo na ni Rep. Regina Reyes si Velasco ng mahigit 4,000 boto nung huli. 

Maihahalintulad ang citizenship case ni Reyes sa mas popular na kaso ni Presidential aspirant Grace Poe. 

Sa kaso ni Reyes, mas malinaw pa ang pagiging natural born niya, dahil kilala ang mga magulang nito na nanilbihan pa sa gobyerno at sa taong bayan ng maraming taon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with