^

Bansa

Robredo una sa Pangasinan State U mock polls

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanguna si LP vice presidential candidate Leni Robredo sa vice presidential mock polls na ginawa sa Pangasinan State University (PSU) Lingayen Campus kamakailan.

Nakakuha si Robredo ng 305 boto o 30.78 percent, dalawang boto ang lamang kay Ferdinand Marcos Jr.

Ang mock polls ay ginawa noong April 28, ilang araw matapos ang ikatlong presidential debate na ikinasa ng Commission on Elections (COMELEC) sa nasabing lalawigan.

Ang Pangasinan ang ikatlong pinakamaraming boto sa bansa, na may 1,705,260 registered voters para sa 2016 polls kasunod ang Cebu (2,722,288) at Cavite (1,843,163). 

Ilang beses na ring nanguna sa mock polls ng ilang paaralan si Robredo, kabilang ang ginawang botohan ng UP Manila, kung saan nakakuha siya ng 268 boto mula sa kabuang 959 botong nakalap.

Sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS), nakuha ni Robredo ang bentahe na may 26 percent habang si Marcos ay may 25 percent.

Ito ang unang pagkakataon na nanguna si Robredo sa isang face-to-face survey ngunit No. 1 siya sa Bilang Pilipino April 13 at 14 SWS Mobile Survey Report at sa SWS post-debate mobile survey noong April 17.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with