Hontiveros, suportado ni Dingdong Dantes
MANILA, Philippines – Nagpahayag ng suporta kay senatorial candidate at dating PhilHealth Director Risa Hontiveros ang primetime star at youth icon na si Dingdong Dantes.
Ayon kay Dantes, ang adbokasiya ni Hontiveros na universal healthcare at track record nito ang kanyang naging basehan upang ikonsidera ng bawat botante na maupo sa Senado.
“As a family man, health is very important to me. It is high time for us to have leaders who give premium to the Filipino family’s well-being. Yan, Zia and I are lucky to have good healthcare, and would like everyone to have the same,” ani Dantes.
Sinabi ni Dantes na malinaw sa kanya ang lahat ng ginagawa ni Hontiveros sa kanyang laban para sa kababaihan, sa kabataan at lalung-lalo na sa kalusugan na nakita sa kanyang trabaho sa loob ng ilang taon.
Isinulong din ni Hontiveros noong siya ay partylist representative ang Cheaper Medicines Law. Umaasa si Dantes na lulusot si Hontiveros sa Mayo 9.
- Latest