^

Bansa

Security of Tenure isinulong ni Leni

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isinusulong ni LP vice presidential candidate Leni Rob­redo ang pagpasa sa Security of Tenure Bill bilang unang hakbang para mapunuan ang mga puwang sa mga labor law sa bansa na madalas inaabuso ng mga employer.

Bilang labor lawyer, nakikita rin ni Robredo na problema ang hindi paborableng aspeto ng Labor Law na naglalagay sa mga empleyado sa alanganin tuwing nagsasampa ng kaso sa National Labor Relations Commission (NLRC).

Nais ni Robredo na tingnan at punuan ng mga puwang na ito upang tuluyang matugunan ang mga problema ng sektor ng paggawa sa bansa.

Kapag nanalo bilang bise presidente, nangako si Robredo na isusulong ang karapatan ng mga manggagawa at kumbinsihin ang Pangulo na sertipikahan bilang urgent ang mga panukala na magrereporma sa sektor ng paggawa.

Ayon kay Robredo, kailangan ng malaking political will upang maipatupad ang mga pagbabago sa harap ng inaasahang pagtutol ng malalaking korporasyon sa mga repormang ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with