May 9 polls PNP naka- full alert na
MANILA, Philippines – Isinailalim na ng PNP sa full alert ang buong puwersa nito para sa nalalapit na halalan sa Mayo 9.
Sinabi ni PNP spokesman Chief Supt. Wilben Mayor na kanselado na ang leave ng lahat na personnel ng PNP.
Pina-recall na rin ang mga pulis na nasa schooling.
Ayon kay Mayor, sinimulan na rin ng PNP ang deployment ng puwersa sa mga lugar na nasa ilalim ng election watchlist.
Ito ay kinabibilangan ng Abra, Pangasinan, Masbate, Negros Oriental, Lanao del Sur, Maguindanao at Western Samar.
Sunod naming ilalagay ng Armed Forces of the Philippines ang buong puwersa nito sa heightened alert status bilang paghahanda sa halalan.
- Latest