^

Bansa

Convoy ng solon binomba: 4 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Masuwerteng nakaligtas ang isang kongresista habang apat ang sugatan makaraang sumabog ang bomba habang dumaraan ang convoy nito sa naganap na roadside bombing sa Brgy. Sta Barbara, Agoo, La Union kahapon ng umaga.

Ayon kay Supt. Marlon Paiste, spokesman ng Police Regional Office (PRO) 1, dakong alas- 9:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Verseles St., Brgy. Sta Barbara, Agoo.

Sinabi ni Paiste, ka­salukuyang dumaraan sa lugar ang convoy ng mag-asawang si 2nd District La Union Rep. Eufranio Eriguel at Agoo Mayor Sandra Eriguel ng sumambulat ang bomba na nakatanim sa kalsada.

Ayon sa report, itinanim umano ang improvised explosive device (IED) sa nakaparadang asul na motorsiklo sa kalsada at pinasabog nang dumaan ang convoy.

Dahil sa insidente, sugatan ang mga nakasakay sa puting van na nakasunod lamang sa sinasakyan ng mag-asawang Eriguel.

Kabilang sa mga malubhang sugatan sina Eufranio Cacayuran, Samuel Oblaza, Anthony Casem at si SPO2 Jack Bagwan, bayaw ng solon.

Masuwerte namang hindi nagtamo ng sugat ang mag-asawang Eriguel na pinaniniwalaang target ng pambobomba.

Si Eriguel ay outgoing na sa puwesto at ang kaniyang misis naman ang tumatakbong kongresista sa kanilang lalawigan habang ang anak nitong si Stephanie ay kandidato sa pagka-alkalde.

Patuloy ang imbestigasyon sa kaso kung saan kabilang sa sinisilip na anggulo ay banggaan sa pulitika.

Nabatid na si Eriguel ay tagasuporta ni UNA presidential candidate Vice Pres. Jejomar Binay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with