^

Bansa

P1.4 M kada araw ‘gastos’ ni Duterte

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy na nahuhubaran si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na meron umanong ma­rangyang pamumuhay at kayang gumastos ng milyones bawat araw, taliwas sa kanyang imahe bilang isang “mahirap” na kandidato.

Ipinunto ng mga im­pormante na sa alokasyon pa lang ng kanyang ‘intelligence fund’ bilang mayor ng Davao na umaabot ng P400 mil­yon kada taon, nanga­ngahulugan ito ng “panggastos” ni Duterte na higit P1.4 milyon isang araw.

Ang intelligence fund ay isang pondo na hindi mahigpit ang rekisitos ng Commission on Audit (COA) sa paggastos at kayang ilipat ng may kontrol dito ang paggastos kahit sa mga sariling kapritso at pangangaila­ngan.

Ayon pa sa mga im­pormante, “posible” umanong galing sa ‘intel fund’ ni Duterte ang mga transaksyon sa bangko ng alkalde na umaabot na sa higit P2 bilyon na ibi­nisto naman kamakailan ni Sen. Antonio Trillanes.

Ayon pa kay Trillanes, may tatlong ‘joint account’ si Duterte at ang kanyang anak na si Sara, dalawa sa BPI sa Metro Manila at isa naman sa BDO-Unibank sa Davao City.

Napilitan namang aminin ni Duterte na sa kanila nga ni Sara ang bank account sa BPI na una niyang itinanggi matapos maglabas ng ebidensiya si Trillanes patungkol dito.

Bago ito, binawi ni Duterte ang pinirmahan nitong “bank waiver” noong isang buwan na magbibigay karapatan sa mga awtoridad na busisisin ang kanyang mga deposito sa bangko.

Sa kabila naman ng mga nasabing kontro­bersiya na kinakaharap ni Duterte, patuloy na lumalakas ang kandidatura ni Sen. Grace Poe matapos magdesisyon ang buong tiket ng Liberal Party sa Zambales na iwanan na si LP standard bearer Mar Roxas upang suportahan ang kanyang kandidatura.

Sa kabuuan, 11 sa 13 bayan at munisipyo sa buong lalawigan na pulos kandidato ng LP ang sumama na kay Poe sa pangunguna ni Amor Deloso, ang opisyal na kandidato ng LP bilang gubernador ng lalawigan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with