Hinihinalang bangkay ng Canadian hostage isasailalim sa forensic investigation
MANILA, Philippines – Inilipad patungong Maynila ang walang ulong bangkay na natagpuan sa Sulu kahapon upang sumailalim sa forensic investigation.
Sinabi ng tagapagsalita ng Western Mindanao Command na si Maj. Filemon Tan Jr., na nais nilang makumpirma kung ito nga ba ang katawan ng pinugutang Canadian hostage na si John Ridsdel.
Ibinigay ang bangkay sa Philippine National Police Scene of the Crime Operattions upang pag-aralan ito.
Pinatay nitong Lunes si Ridsel ng Abu Sayyaf matapos walang makuhang ransom money na nagkakahalaga ng P300 milyon.
Patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa Abu Sayyaf upang mailigtas ang tatlo pang bihag.
- Latest