^

Bansa

P93-B coco fund ibabalik sa magsasaka - Grace

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiniyak ng kampo ni Sen. Grace Poe na maibabalik sa mga magniniyog ang kanilang pinaghirapang ‘coco levy fund’ sakaling mahalal siyang pangulo sa halalan ngayong Mayo 9.

Ayon sa tagapagsalita ni Poe na si Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, titiyakin ng “Gobyernong may Puso” na magagamit para sa industriya ng niyog ang nasabing pondo sa pamamaraang mabilis, patas, responsable at walang itinatago.

“Sa ilalim ng administrasyong Poe, bibigyang prayoridad ang industriya ng niyog. Kasamang pamamahalaan mismo ng mga magsasaka ang coco levy fund, o ang interes na buhat sa trust fund, at pupunan ng regular na badyet,” paliwanag ni Gatchalian.

Batay sa ulat ng Philippine Commission on Good Governance, nasa P93 bilyon na ang kabuuang ‘asset value’ ng coco levy fund na pinaghirapan ding ipaglaban ng mga magniniyog sa kasong nakaabot pa sa Korte Suprema na nagdesisyon kamakailan pabor sa kanila.

Ayon pa kay Gatchalian, nabigo ang administrasyon na tulungan ang mga magniniyog patunay sa ginawang pagtapyas ng badyet ng Philippine Coconut Authority mula P4.1 bilyon noong nakaraang taon na ngayon ay P1.27 bilyon na lang.

Sinisi ni Gatchalian ang mga opisyal ng Department of Agriculture sa pagtapyas sa badyet ng PCA sa kabila aniya ng katotohanan na hindi pa tuluyang nakababangon sa pinsalang dulot ng Super Typhoon Yolanda noong 2013 ang industriya.

Batay sa datos ng gobyerno, higit 34 milyong puno ng niyog sa 41,662 ektaryang niyugan sa mga Rehiyong 6, 7 at 8 ang natumba dahil sa naturang ‘super typhoon.’

Ani Gatchalian, muling itataas ng gobyerno ni Poe ang badyet ng PCA upang mapataas ang antas ng kakayahan ng ahensiya na tulungan ang mga magniniyog.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with