^

Bansa

Malacañang ok sa AMLA amendment

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pabor ang Malacañang sa panukalang pag-amyenda sa Anti-Money Laundering Act (AMLA) kung saan balak isama ang mga casino sa sakop ng batas.

Magugunitang lumakas ang panawagang amyendahan ang batas dahil nagagamit umano sa money laundering ang mga casino at dito dinadala ang mga ‘dirty money’ na umaabot na sa bilyun-bilyong piso.

Sinabi ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) Undersecretary Manolo Quezon III, nasa loob ng mandato ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang magpanukala ng amendment sa umiiral na batas para mapalakas ang paghabol sa mga sangkot sa money laundering.

Ayon kay Quezon, aminado silang dahil sa eleksyon, maliit lamang ang panahon ng Kongreso para talakayin ang panukalang amendment sa AMLA.

Umaasa na lamang ang opisyal na magiging bahagi ng unang agenda items ng Kongreso ang panukala pagkatapos ng halalan.

 

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with