^

Bansa

Ex-Pres. Quirino ililipat sa Libingan ng mga Bayani

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ang anim na dekada, ililipat na ang mga labi ni da­ting Pa­ngulong Elpidio Quirino sa Libingan ng mga Ba­yani sa Fort Bonifacio, Taguig City bukas (Peb­rero 29).

Ito ang nabatid kahapon kay Philippine Army spokesman Col. Benjamin Hao kung saan gagawaran ng ‘full military honors’ ang labi ng yumaong dating Pangulo.

Si Quirino ang ika-a­nim na Presidente ng Pilipinas na humalili kay dating Pangulong Manuel Roxas matapos itong mamatay noong 1948. Samantalang si Quirino, tubong Vigan City, Ilocos Sur na ipina­nganak noong Nobyembre 16, 1890 ay namatay naman noong Pebrero 28,1956. 

Nabatid kay Hao na huhukayin ang kalansay at bungo ni Qurino sa Manila South Cemetery upang ilipat ito sa LNMB na nararapat na pagkilala sa isang nagsilbing Pa­ngulo ng bansa.

Sinabi ni Hao, dadalo sa pagpupugay at pagkakaloob ng gun salute sa re-internment ceremony para sa labi ng yumaong dating psngulo si Pangulong Aquino, miyembro ng pamilya Quirino, mga opis­yal ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), lokal na opisyal ng pamahalaan, miyembro ng gabinete, pulitiko, kabataan, estudyante at iba pang sektor ng komunidad.

Isa ring brigade-size na mga tauhan ng Philippine Army, Philippine Air Force at Philippine Navy ang magkakaloob ng full military honors para kay Quirino.

Iitinakda ang pagda­ting ng labi ni Quirino sa LNMB alas-11 ng umaga.

Nasa 1,300 military personnel, ROTC cadets at reservists ang magbibigay pugay habang ibinibiyahe ang labi ni Qurino patungo sa entrance gate ng LNMB sa funeral motorcade.

“The re-internment ceremony will coincide with the commemorative event to mark the 60th death anniversary of Pres. Elpidio P. Quirino in the evening of February 29 at the Philippine Center, New York City,” ayon kay Hao.

Ang LNMB ay nagsisilbing himlayan para sa mga bayaning sundalo, mga dating Pangulo, dignitaries, national artists, scientists, boy scouts at mga sundalong nasawi sa Second World War at Korean War.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with