^

Bansa

Sa retrenchment ng OFWs Gatchalian kay PNoy: OWWA Act pirmahan na

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinamamadali ni Nationalist People’s Coalition (NPC) senatorial bet Win Gatchalian kay Pangulong Aquino ang paglagda sa panukalang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Act sa gitna ng inaasahang mass retrenchment ng overseas Filipino workers sa Middle East.

Giit ni Gatchalian walang dahilan para i-delay ng Pangulo ang paglagda sa panukala dahil tinitiyak naman nito na ang pondo ng OWWA ay magagamit lamang sa kapakanan ng mga OFW at kanilang pamilya.

Ito umano ang klase ng serbisyong kailangan ngayon ng mga mawawalan ng trabahong OFW na makukuha nila sa gobyerno sa gitna ng krisis.

“The earlier the OWWA Act will be signed, the sooner it will be implemented to benefit OFWs who will be laid off because of falling oil prices,” paliwanag ng kongresista na kamakailan lamang ay tumulong sa pamilya ni Mary Jane Veloso upang makabisita sa bilangguan sa Jakarta, Indonesia.

Ang bicameral report sa House bill 2053 at ang subsitute measure nito na House bill 4990 ay kapwa napirmahan na ng mababa at mataas na kapulungan ng kongreso at nakatakdang i-transmit sa Palasyo para sa pirma ni PNoy.

Sa ilalim ng panukala, ang OWWA ang inatasan para magbigay ng social at welfare programs kabilang na ang reintegration and entrepreneurial development services at naatasan na tumugon agad sa sandaling magkaroon ng global emergencies o crisis situations na makakaapekto sa OFWs at kanilang pamilya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with