^

Bansa

Fight IT tutulong sa NBI

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tutulong ang grupong Fight Illicit Trade (Fight IT) sa kampanya ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa smuggling at pagsugpo sa iba’t ibang uri ng ilegal na kalakalan sa bansa.

Ang suporta mula sa pribadong grupo ay tinanggap naman ni NBI Director Virgilio Mendez kasabay ng pagpahayag na malaking tulong ang anumang makakalap na intelligence report ng Fight IT laban sa mga illegal na kalakalan hanggang sa prosekusyon.

Ayon kay Fight IT Chairman Jesus Arranza, ang grupo ay makatutulong sa NBI sa pagbibigay ng mga intelligence/confidential information, data protection na kakailanganin sa imbestigasyon at pag-prosecute sa mga ilegalistang negosyante.

Dagdag pa ni Arranza, puwede rin silang makapagbigay ng logical assistance tulad ng paglalaan ng mga warehouses para maging imbakan sa mga makukum­piskang ebidensiya upang masigurong maipreserba ito hanggang sa makapagbaba ng hatol ang korte.

Layunin ng grupo na protektahan ang mga pa­ngunahing industriya na naapektuhan ng illegal na kalakalan tulad ng bigas, asukal, mais, palm oil, tabako, bakal, semento, ceramic tile at iba pa.

Magsasagawa rin ng mga pagsasanay ang Fight IT para sa mga NBI personnel kung paano matukoy na peke ang mga produkto tulad ng mga sigarilyo, shampoos, cellphones at tablets.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with