^

Bansa

Ombudsman dismissal sa Quezon City treasurer, hiniling ipatupad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umapela kay Finance Secretary Cesar Purisima ang mga negosyante sa Quezon City na ipatupad ang dismissal order ng Office of the Ombudsman laban kay Treasurer Edgar Villanueva matapos mapatunayang guilty sa kasong isinampa ng Manila Seedling Bank Foundation Incorporated (MSBFI).

Sa pahayag ng grupong Lakas-Negos­yante ng QC, noong Disyembre pa ng nakaraang taon inilabas ng Ombudsman ang desisyon na nagsisibak kay Villanueva subalit hanggang sa kasalukuyan ay nananatili pa rin ito sa posisyon.

Batay sa 20 pahinang desisyon na pirmado ni Ombudsman Conchita-Carpio Morales, iniutos nito ang pagtanggal sa serbisyo kay City Treasu­rer Villanueva matapos mapatunayang guilty sa kasong grave abuse of authority o paglabag sa Republic Act 3019 anti-graft and corrupt practices act.

Sa December 29, 2015 ruling, pinakansela rin ng Ombudsman ang service elibility ni Villanueva at pagtanggal ng retirement benefits nito bukod pa ang habambuhay na pagbabawal na makapanungkulan sa pamahalaan.

Nag-ugat ang kaso sa demanda ng MSBFI na umano’y ginipit ni Villanueva nang ipasubasta nito ang pitong ektaryang lupa na pag-aari ng National Housing Authority (NHA) na pinagagamit lang sa Seedling Bank sa bisa ng Presidential Proclamation 1670.

Tahasang sinabi ng mga negosyante na dapat irespeto ni Purisima ang kautusan ng Ombudsman na nagtatanggal kay Villanueva bilang ingat-yaman ng Lungsod Quezon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with