^

Bansa

1,000 balota nireject ng Vote Counting Machines

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Na-reject ng Vote-Counting Machines (VCM)  ang may 1 hanggang 2 percent o 500 hanggang 1,000 ng 50,000 balota sa isinagawang ballot verification test ng mga units sa National Printing Office sa QC.

Ito ang ibinunyag kahapon sa isang press conference sa QC ni Mike Santos ng international certifier SLI Global Solutions sa mga balotang naisalang sa VCMs sa ginawang verification test dahil sa anya’y “self-diagnostic” feature ng makina.

Ang naturang feature na dapat mag-detect ng stray marks sa balota ay ginamit upang walang digital lines na makikita sa balota. Ang digital lines ay lumabas noon sa mga balota sa nagdaang 2013 midterm elections.

Bunga nito, ang digital software ng VCM ay kaila­ngan anyang mai-rebuilt pati na sa prosesong gagawin para sa canvassing consolidation system.

Kaugnay nito, sinabi ni Santos na uulitin nila ang proseso para sa trusted builds ng 2/3 ng sistema na gagamitin sa May 9 elections makaraang makakita ng “minor” problems dito.

Anya, ang nakitang problema ay sa canvassing consolidation system (CCS) noong panahon na ginagawa nila ang “packaging” sa binary codes para maka-generate ng ISO image na dapat sana ay ito na ang pinaka-huling stage para sa trusted build.

Katwiran naman ni Elie Moreno, project manager of technology provider Smartmatic-TIM na ang incompatibility issue ay naresolba na.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with