Marcos naghahanap ng ka-lunch date
MANILA, Philippines – Naglunsad ng isang gimik ang tanggapan ni vice presidential candidate, Sen. Bongbong Marcos ngayong nalalapit na Araw ng mga Puso.
Bibigyan ng pagkakataon ng kampo ni Marcos ang sinuman na nais makasama ang senador sa isang lunch date.
Ang pa-contest ay naka-post sa official Facebook page ni Marcos na https://www.facebook.com/bongbongmarcos.
Lahat ng netizens na gustong sumali ay dapat bumisita sa official Facebook page ng senador at i-click ang contest na may pamagat na “Bongbong Into My Heart” o mag log in sa http://bbm.ph/BongbongIntoMyHeart app.
Kinakailangang ilagay ang basic personal details ng mga nais lumahok hanggang Pebrero 15, 2016 lamang.
Ang lucky winner ay ihahayag sa Pebrero 17 at ang detalye ng lunch date ay iaanunsiyo rin sa website ng senador.
Katunggali ni Marcos sa pagka bise presidente ng bansa sina Senators Chiz Escudero, Alan Peter Cayetano, Antonio Trillanes, Gregorio Honasan at Leni Robredo.
- Latest