^

Bansa

Libre tuition sa SUCs isinusulong

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nais ng isang kongresista na malibre ang buong tuition fee ng mga estudyanteng makakapasok sa mga State Universities and Colleges (SUCs).

Sa “Tuition-Free Higher Education Act of 2015” na inihain ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ay otomatikong libre na sa pag-aaral ang mga estudyanteng makakapasa sa admission test at mag-aaral sa lahat ng SUCs.

Paliwanag ni Vargas, ang sistema ng free public education sa bansa partikular sa tertiary education ay hindi naman talaga buong sinusubsidiya ng pamahalaan sa kabila ng taunang pagtaas ng pondo sa mga SUCs.

Ito ay dahil sa may binabayaran pa rin ang mga estudyante na nais makapag-aral sa mga pamantasan at ibang unibersidad ay hindi magawang makapagtapos o maituloy-tuloy ang pag-aaral lalo na ng mga mahihirap na pamilya.

Nakasaad sa panukala na ang pondo para rito ay pangangasiwaan ng Commission on Higher Education (CHED) na siya ring gagawa ng reporting mechanism na ipapatupad sa mga SUCs kung saan idedetalye ang eksaktong halaga ng tuition fee subsidy ng isang eligible student.

Dapat din tiyakin ng CHED ang full payment sa tuition fees sa mga SUCs at ang komisyon din ang siyang sasala at pipigil sakaling may iregularidad na matutuklasan sa mga bayarin.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with