^

Bansa

14 Pinay patay sa hotel fire sa Iraq!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Labing-apat na Pinay ang kabilang sa 19 kataong namatay sa pagsiklab ng sunog sa isang hotel sa Kurdistan Region sa Iraq, noong Biyernes ng gabi.

Ayon kay DFA spokesman Charles Jose, inimpormahan na ng Kurdistan authorities ang embahada ng Pilipinas sa Baghdad na 14 sa nasawi ay mga Filipino, 3 Iraqis, isang Palestinian at isang hindi pa natukoy ang nationality.

Pero hindi pa isinapubliko ang pangalan ng mga biktima dahil kaila­ngan pa nilang makipag-ugnayan sa mga kamag-anak at pamilya ng mga OFWs.

“What we know is there are 14 Filipino hotel workers and from what we have heard from the members of the Filipino community, there are two who survived. But we still have to check. What we’ve been getting are still sketchy,” ayon kay Iraq Charge d’Affaires Elmer Cato.

Karamihan umano ay namatay sa smoke suffocation, sabi ni Cato.

Sa impormasyong nakalap ni Erbil Governor Nawzad Hadi nagkaroon ng sunog dahil sa electrical problem sa massage center na nasa ibabang bahagi ng 4-star Capitol hotel sa Erbil.

Sa ngayon inaalam pa ng DFA kung ang mga namatay ay OFWs o mga turistang Pinoy na naka-check in sa hotel.

Karamihan kasi sa mga nagche-check in sa hotel ay mga turista na galing pa sa ibang bansa.

Nagpaabot na ng pakikiramay ang pamahalaan sa pamilya ng mga biktima at nangakong gagawin ang lahat para agad maiuwi ang mga bangkay sa Pilipinas.

Sa ngayon, nagtungo na ang mga tauhan ng embahada ng Pilipinas sa Iraq sa Erbil para alalayan ang mga otoridad doon na makilala ang mga biktima para sa agarang repatriation ng mga bangkay.

Nangako naman ang mga otoridad sa Kurdistan region na makiki­pag-ugnayan ang mga ito sa pamahalaan ng Pilipinas.

Tinatayang nasa 2,000 Filipino ang nagtatrabaho sa Iraq at karamihan sa mga OFWs ay nasa Kurdistan region.

Itinaas ng Pilipinas ang Alert Level 4 sa maraming bahagi ng Iraq at nanawagan sa mga kababayan doon para sa mandatory repatriation matapos makubkob ng Islamic State ang Mosul noong 2014.

Pero nilinaw ni Jose na ang Kurdistan ay nasa Alert Level I lamang dahil isa itong autonomous region at mas ligtas itong lugar kaya hindi ipinatupad ang deployment ban.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with