^

Bansa

Mar umangat sa forum vs Grace

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mas umangat si Daang Matuwid presidentiable Mar Roxas sa katunggaling si Sen. Grace Poe nang magkasunod na magsalita ito sa isang forum na tinawag na #MeetYourCandidates, na inorganisa ng US Schools Alumni.

Hindi man direktang nagdebate ang dalawa ay magkasunod itong nagtalumpati, kaya’t naikumpara ng mga netizens ang naging pagsasalita ng dalawa.

Sabi ni @iwriteasiwrite, halatang mas relaxed si Roxas at walang handang speech. “Not reading from paper, so comes across as dialogue. Poe was more declamation,” sabi nito.

“Bakit si Mar walang kodigo?” tanong ng netizen na si @PatStockinger. “Si Grace binabasa na nga, di pa mabasa ng maayos!” kumento nito.

Sabi naman ng netizen na si @theBirkinGirl, nagpaawa lang daw si Poe sa kanyang mga sagot. Puna ng iba, ang pagsasabi lamang ng mga bagay na gustong marinig ng mga botante ay hindi tunay na plataporma, tulad ng tweet ni @mcmorco.

Pagpasok pa lang ni Roxas ay pinalakpakan na ito ng mga dumalo, ulat ng reporter ng isang pahayagan. “He outshined others, by simply doing his homework. Gutsy Mar,” sabi ni @MyJigs. Kung interbyu daw iyon para sa trabaho ay siguradong makukuha ni Roxas ito, sabi naman ni Fatimah Malik.

“Handa, walang tinatago at walang ikakatakot,” ang obserbasyon ni Paul Ang kay Roxas. “Matapang kasi handa sumagot,” segunda ni @GabiSumulong.

Binatikos din ng ibang netizens ang pagbunyag ni Poe na marami siyang advisers. “Definitely says something that Poe has a lot of advisers. Hindi siya handa. Sinusubuan lang,” sabi ni Enzo Pisig.

Hindi nakadalo sina Bise Presidente Jejomar Binay at Sen. Miriam Santiago sa nasabing forum.

vuukle comment

ACIRC

BISE PRESIDENTE JEJOMAR BINAY

DAANG MATUWID

ENZO PISIG

FATIMAH MALIK

GRACE POE

GUTSY MAR

MAR ROXAS

MIRIAM SANTIAGO

PAUL ANG

ROXAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with