^

Bansa

Banat ni PNoy nirerespeto ni VP Binay

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iginagalang ni Vice Presidente Jejomar Binay ang karapatan ni Pangulong Aquino kung sino ang pasasalamatan sa huli nitong State of the Nation Address kamakalawa.

Ito ang reaksyon ni Bi­nay sa ginawang pagbati ng Pangulo sa mga miyembro ng Gabinete nito at iba pang opisyal ng pamahalaan maliban lang sa Bise Presidente na da­ting miyembro ng Gabinete.

“Kahit masasabing un-statemanlike ang magpa­saring sa kalaban sa pulitika sa isang mahalagang okasyon tulad ng SONA, nirerespeto namin ang pananaw ni Presidente. Ang sagot naman namin, e di Wow din, Mr. President,” pahayag ni Mon Ilagan, tagapagsalita ng United Nationalist Alliance (UNA).

Una nang sinabi ni VP Binay na sasagutin niya ang SONA ng Pangulo sa kanyang nakatakdang True State of the Nation.

“Dito, puro katotohanan lamang ang sasa­bihin niya, ang masakit na katotohanan na ayaw tanggapin at aminin ng administrasyon. Sinabi rin ni Presidente na ang 2016 ay referendum sa Daang Matuwid. Ang taumbayan ang magpapasya kung gusto nilang magpatuloy ang manhid at palpak na pamamahala o magkaroon ng tunay na pagbabago at ginhawa sa kanilang buhay,” saad pa ni Ilagan.

Ipinahiwatig naman ni Vice Presidential Spokesperson for Political Affairs Atty. Rico Quicho na inaasahan na sa SONA na merong pasaring laban kay Binay lalo pa at kumalas ito sa administrasyon.

“Maliit na kapalit ito sa paglalantad sa mamamayan ng palpak at manhid na pamamahala sa bansa ng kasalukuyang administrasyon na lalong nagpapahirap sa mahihirap,” sabi pa ni Quicho.

Pero sabi ni Quicho, hindi ipinapalagay ni Binay na ito ang pinaparinggan sa patutsada ng Pangulo na hindi natutupad ang pangakong ‘gaganda ang buhay’ dahil walang konkretong plano ang mga nagtataguyod nito.

Ito ay dahil sa matitibay na programang pangsosyal at ekonomiyang naisakatuparan ni Binay na nagpaangat sa pamumuhay ng mga mamamayan noong siya pa ang alkalde ng Makati City at patuloy na nagsilbi bilang bise presidente.

Binanggit din ni Qui­cho na, sa SONA ng Pa­ngulo, hindi gaanong nabanggit ang mahahalagang usapin na naging kabiguan ng pamahalaan tulad ng hustisya para sa SAF 44, pamamahagi ng Hacienda Luisita sa mga benepisyaryong magsasaka, katiwalian sa Bureau of Customs, may kinikilingang hustisya sa Ombudsman at hudikatura, at abuso sa kapangyarihang lehislatura.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BINAY

BISE PRESIDENTE

BUREAU OF CUSTOMS

DAANG MATUWID

GABINETE

HACIENDA LUISITA

ITO

MAKATI CITY

PANGULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with