^

Bansa

Bago bumaba sa puwesto MRT dapat ayusin ni PNoy - Drilon

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaasa si Senate President Franklin Drilon na pakikialaman na ni Pangulong Aquino ang problema sa transportasyon partikular na sa Metro Rail Transit (MRT) sa kanyang huling taon bilang Pangulo ng bansa.

Ayon kay Drilon, hindi na biro ang problema sa MRT dahil milyon-milyong commuters ang naapektuhan nito at apektado na rin ang ating ekonomiya.

“Kailangan buhusan ng pansin para maayos na ang problema rito,” ayon kay Drilon sa panayam ng DZBB kahapon.

Aniya, kung meron man sektor na napaba­yaan ang kasalukuyan pamahaaan ito ay ang sektor ng trasportasyon partikular na ang sa MRT.

Sinabi pa ni Drilon na normal lamang na dapat talakayin ni Pangulong Aquino sa kanyang huling State of the Nation Adress (SONA) ang mga nagawa ng kanyang administrasyon.

Aniya, maraming reporma ang nagawa sa ilalim ni PNoy lalo na sa paglaban sa kurapsyon at katunayan napatalsik ang isang Chief Justice at tatlong Senador naman at ilang opisyal pa ng pamahalaan ang nakadetine dahil sa alegasyon ng pagwaldas ng pera.

Tinukoy ni Drilon ang pagpapalawak ng saklaw ng PhilHealth, ang pagbuo ng karagdagang korte ng Sandiganbayan, pag-papatupad ng condtional cash transfer at iba pag mga batas na nakatulong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANIYA

AYON

CHIEF JUSTICE

DRILON

KAILANGAN

METRO RAIL TRANSIT

NATION ADRESS

PANGULO

PANGULONG AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with