11 Pinoy pasok sa 2015 billionaires list ng Forbes
MANILA, Philippines — Ang pamilya ni Henry Sy ang nananatiling pinakamayaman sa Pilipinas, ayon sa listahan ng dollar billionaires club ng Forbes ngayong taon.
Umabot sa $14.8 billion ang yaman ng mall at real estate businessman na nasa pang-73 ng listahan.
Bukod kay Sy, 10 pang Pinoy ang pasok sa listahan na kung pagsasama-samahin ang kanilang yaman na aabot sa P2.28 trilyon ay hindi ito nalalayo sa national budget ng gobyerno ngayong taon na P2.6 trilyon.
Pumangalawa naman sa mga Pinoy si John Gokongwei Jr. ng JG Summit Holdings na may $5.8 billion, habang pangatlo si ports king Enrique Razon Jr. na may $5.2 billion.
Narito ang listahan:
- Latest