^

Bansa

PNoy, 13 oras nakipaglamay

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inabot ng 13 oras ang ginugol ni Pangulong Aquino para makiramay sa mga pamilya ng 44 miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) na namatay sa pakikipagsagupa sa mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) noong nakaraang Linggo.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, namalagi sa Camp Bagong Diwa sa Taguig ang Pangulo hanggang alas-12:30 ng madaling araw kahapon.

“Nagsimula po kasi ito ‘nung umaga, pagkatapos ng isang oras ay nagtalumpati muna si Pangulong Aquino doon sa necrological service, at sinundan naman po ito ‘nung pagpapatuloy ng kanyang pakikipagpulong simula 12:30 ng tanghali; ‘nung umalis po si Pa­ngulong Aquino sa kapilya ng Camp Bagong Diwa ay 12:30 na po ng madaling araw,” ani Coloma.

Isa-isa umanong kinausap at pinakinggan ng Pangulo ang saloobin ng mga pamilya ng mga biktima na patuloy na humihingi ng katarungan.

“Tugon ng Pangulo, ginagawa at gagawin pa ng pamahalaan ang lahat ng nararapat upang makamit ang hustisya,” sabi ni Coloma.

Ayon pa kay Coloma, madaling araw na rin ng Sabado ng makausap ng Pangulo ang tropa ng PNP-SAF.

“Kaninang bandang alas-dose y media ay humarap si Pangulong Aquino sa mga tropa ng PNP-SAF sa kanilang punong himpilan sa Camp Bagong Diwa. Ito’y nang katatapos niyang makausap ang pinakahuli sa 44 na pamilya ng mga nasawing bayani sa kapilya ng kampo,” ani Coloma.

Inaasahan na sa mga susunod na araw ay makikipag-ugnayan ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa pamilya ng mga biktima upang maihatid ang mga ipinangakong tulong.

Magugunita na umani ng batikos ang hindi pagdalo ni Pangulong Aquino sa arrival honors para saluduhan ang 42 SAF men nang dumating ang mga labi sa Villamor Airbase dahil nasa inagurasyon ito ng isang car plant sa Laguna.

vuukle comment

AYON

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

CAMP BAGONG DIWA

COLOMA

COMMUNICATIONS SEC

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PANGULO

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with