Pnoy absent sa Villamor, present sa Laguna inauguration
MANILA, Philippines – Hindi sinalubong ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagdating ng labi ng mga nasawing Philippine National Police Special Action Force (PNPSAF) sa Villamor Air Base sa lungsod ng Pasay ngayong Huwebes.
Nasa Laguna si Aquino bilang guest of honor sa inauguration ng planta ng Mitsubishi Motors sa Sta. Rosa City, kung saan nagbigay din siya ng talumpati.
Kasama ng Pangulo si Trade and Investment Secretary Gregory Domingo at Cabinet Secretary Rene Almendras.
Ipinaliwanag naman ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na wala talaga sa schedule ni Aquino ang dumalo sa Villamor Air Base, pero nakatakda namang pangunahan ng Pangulo ang necrological service sa Camp Bagong Diwa bukas.
Dumating kaninang umaga ang labi ng 42 sa 44 na miyembro ng PNPSAF mula sa Mamasapano, Maguindanao.
Nasawi ang mga ito matapos makipagbakbakan sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front.
Dumalo sa arrival honors sina Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, Interior and Local Government Secretary Mar Roxas at Sen. Bongbong Marcos
- Latest