^

Bansa

National Day of Mourning idineklara ni PNoy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagdeklara ng National Day of Mourning si Pa­ngulong Aquino sa Enero 30 sa pagkasawi ng 44 SAF members na tinawag niyang mga bayani.

Sa kanyang national address kagabi, sinabi ng Pangulo na hindi na kailangan ang clearance mula sa kanya para isa­gawa ng PNP-Special Action Force ang kanilang operasyon laban sa mga notorious na terorista.

Aniya, simula pa noong May 2014 ay mayroon nang operasyon laban kina Zulkifli bin Hir alyas Marwan at Basit Usman na mga bomb-expert ng Jemaah Iislamiyah (JI)  subalit nabibigong mahuli ang mga ito.

Naniniwala si PNoy na napatay kaagad ng mga SAF men si Marwan su­balit nanlaban si Usman kaya nagdesisyon ang mga ito na umatras hanggang sa dito nangyari ang madugong engkwentro.

Ipinaalala pa umano ng Pangulo sa SAF na dapat magkaroon sila ng koordinasyon sa kanilang misyon upang hindi magkaroon ng paglabag sa umiiral na kasunduan sa grupo ng MILF.

Pero inamin din ng Pangulo na huli na ang ginawang koordinasyon ng SAF sa military dahil nangyari na ang insidente.

Naniniwala rin ang Pangulo na hindi dapat maging hadlang ito sa pagsusulong ng Bangsamo­ro Basic Law (BBL) dahil kung mabibigo ang usapang pangkapayapaan sa Mindanao ay parang tinulungan na din natin si Marwan na maabot ang kanyang layunin na maghasik ng terorismo.

Nilinaw din ng Pa­ngulo na walang siyang natatandaan na nagbigay siya ng ‘go signal’ sa ope­rasyong ito ng PNP-SAF pero noong May 2014 ay inamin nitong nagbigay siya ng ‘go ahead’ sa ope­rasyon at inaasahang lilitaw din ang katotohanan sa isasagawang imbestigasyon kung bakit hindi alam nina DILG Sec. Mar Roxas at PNP officer in charge Leonardo Espina ang operasyon.

Inamin din ng Pangulo na direktang may kinalaman sa operasyon laban kina Marwan at Usman ang suspendidong si Gen. Alan Purisima dahil siya pa ang PNP chief noong May 2014 hanggang sa masuspinde ito.

vuukle comment

ALAN PURISIMA

BASIC LAW

BASIT USMAN

JEMAAH IISLAMIYAH

LEONARDO ESPINA

MAR ROXAS

MARWAN

NANINIWALA

PANGULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with