Dec. 29 hindi holiday - Palasyo
MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ng Malacañang na hindi idinedeklarang special non-working holiday ni Pangulong Aquino ang December 29 (Lunes).
Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, kahit ipit ang Dec. 29 ay regular working day ito para sa government at private offices.
Hindi anya nakagawian ng Aquino administration na magdeklara ng special non-working holiday kapag ‘sandwich’ ang araw tulad ng nakaraang administrasyon.
Sabi ni Coloma, ang deklaradong holiday lamang ay ang Dec. 24, Dec. 25, Dec. 26, Dec. 30, Dec. 31, Jan. 1 at Jan. 2.
Bukod dito, nagdeklara na rin si Pangulong Aquino ng special non-working holidays sa Metro Manila sa Jan. 15-16 at 19 para sa Papal visit sa susunod na buwan.
- Latest