^

Bansa

Phl Navy magbabawas ng barko

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sisimulan ng Philippine Navy ang pag-aalis ng lima hanggang 10 barko sa sandaling magsimula nang dumating ang mga bagong barko sa mga susunod na dalawang taon.

Ayon kay Navy Vice commander Rear Admiral Caesar Taccad, inaasahan ng PN na makatanggap ng dalawang strategic sealift vessels sa taong 2016 at 2017, ang tinuturing na state of the art at fully armed frigates at missile armed multi-purpose assault craft.

Ang mga sasakyang dagat na ide-decommissioned ay ang mga matatanda na at may mga sira, kinukumpuni at ina-upgrade na napaka-uneconomical.

Dagdag ng opisyal, ang pagdating ng mga bagong barko ay magbibigay sa PN ng higit na kakayahang protektahan ng bansa ang maritime domain laban sa mga mananakop at mandarambong.

Ang PN ay kilalang nagpapatakbo ng 07 hanggang 110 naval ships. Dito, 10 hanggang 12 ay itinuring bilang pangkaragatan o may kakayahang magpatrolya sa malawak na distansya. Habang ang natitira ay katamtamang nagpapatrulya at logistics at nagseserbisyong barko.

Kabilang dito ang dalawang Gregorio Del Pilar class frigates, tatlong Jacinto class patrol vessels at pitong iba pang World War II escort destroyers na nanatiling nagseserbisyo sa PN.

vuukle comment

AYON

DAGDAG

DITO

GREGORIO DEL PILAR

HABANG

NAVY VICE

PHILIPPINE NAVY

REAR ADMIRAL CAESAR TACCAD

WORLD WAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with