^

Bansa

PNoy itinangging nag-alok ng tulong kay VP Binay

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nilinaw ni Pangulong Aquino na hindi siya nag-alok ng tulong kay Vice-President Jejomar Binay nang mag-usap sila noong nakaraang linggo sa Malacañang.

Ayon sa Pangulo, hindi totoo ang pahayag ni Ca­vite Gov. Jonvic Remulla na siya ang nag-alok ng tulong kay Binay nang sila ay mag-usap ng bise presidente sa kanyang tirahan sa Bahay Pangarap sa loob ng mahigit 2 oras.

Aniya, si Binay ang mismong humingi ng pagkakataon na magkausap sila dahil sa iba’t ibang kontrobersya hinggil sa kanilang pamilya tulad ng hidden wealth na iniimbestigahan ng Senado at DOJ.

Wika pa ng Pangu­lo, mismong si Binay ang nagsabi sa kanya na masyadong dinadamdam ng kanyang maybahay na si Dra. Elenita Binay ang nangyayaring ‘paninira’ sa kanilang pamilya ng ilang kaalyado ng Pangulo sa Senado at DOJ.

“Tanggap ko na magkaiba tayo sa pulitika pero magkaibigan tayo,” ito daw ang binanggit ni Binay sa Pangulo nang mag-usap sila sa Bahay Pangarap.

“I did not offer help to him, he asked for advice. It was the VP who initiated the meeting,” dagdag ni PNoy.

Naunang sinabi ni PNoy na siniguro niya kay Binay na walang fabri­cation of evidence na ginagawa ang gobyerno laban sa kanya at nakakasiguro itong igagalang ang kanyang karapatan sa ginagawang imbestigasyon dito ng Ombudsman.

vuukle comment

ANIYA

BAHAY PANGARAP

BINAY

ELENITA BINAY

JONVIC REMULLA

PANGULO

PANGULONG AQUINO

SENADO

VICE-PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with