^

Bansa

Lifestyle check kay Binay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinamon ng United Makati Against Corruption (UMAC) si Vice President Jejomar Binay at ang mga miyembro ng pamilya nito na sumailalim sa “lifestyle check” kasunod na rin ng akusasyon na nagkamal umano ito ng malaking kickback sa umano’y overpriced Makati Parking Building 2.

Kasabay nito, sinabi ni UMAC Convenor Atty. Renato Bondal na hawak na nila ang kopya ng Statement of Assets and Liabilities at listahan ng mga ari-arian ni Binay.

Isa si Bondal sa mga residente ng Makati na nagharap sa Ombudsman ng kasong plunder laban kay Binay at sa ilang miyembro ng pamilya nito kaugnay ng overpriced na pagpapatayo sa Building 2 ng Makati City hall.

Sinabi ni Bondal sa isang pahayag na kailangang ipaliwanag ng pamilya Binay kung saan nanggaling ang kayamanan nila gayung umaasa lamang ang mga ito sa suweldo nila bilang lingkod bayan.

“Hindi na puwedeng sabihin ni Vice President Binay na kakampi siya ng mahihirap. Hindi na siya mahirap ngayon at sangkatutak na ang ari-arian niya,” dagdag nito.

Sinabi ng isa sa testigo laban kay Binay na si dating Vice Mayor Ernesto Mercado na sinisimulan na nilang busisiin ang SALN ni Binay at maging ang kanyang pamilya.

Sinabi ni Mercado na ito ay pamamaraan upang maikumpara ang aktuwal na yaman ng pamilya Binay at sa mga nakukuha lamang na sahod simula nang umupo bilang alkade si Binay sa Makati hanggang sa maging Bise Presidente.

“Kailangan nilang ilabas ang SALN ng buong pamilya at ipaliwanag kung paano sila nakapagpundar ng mara­ming ari-arian mula sa suweldo sa gobyerno,” ani Bondal.

Hindi lamang ang VP ang naglilingkod sa gobyerno ngayon. Nakaupong Senador ang kanyang anak na si Nancy, Mayor ng Makati ang kanyang anak na si Junjun at Congresswoman ang anak na si Abigail. Naglingkod din bilang Mayor ng Makati ang kanyang asawang si Dr. Elenita Binay. (Ellen Fernando)

 

vuukle comment

BINAY

BISE PRESIDENTE

BONDAL

CONVENOR ATTY

DR. ELENITA BINAY

ELLEN FERNANDO

MAKATI

MAKATI CITY

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with